DECLAN "What just happened?" maang na tanong ni Alexander na siyang bumasag sa katahimikan. Walang kahit isa sa mga kaibigan ko ang naglakas loob na ibuka ang bibig matapos akong bugahan ng apoy nang asawa ko. "f**k! Kabahan ka na Madrigal. Mukhang ikaw na ang susunod kay Jared na iwan ng asawa," natatawa na sabad ni Dexon. "Shut up!" "Moron!" Sabay pa kami ni Jared ng sininghalan si Miller na akala mo naman ay walang babaeng kinababaliwan. Porke't nakakulong sa mansyon niya Aubrey ay akala niya ayos na pero kapag nakakita ng pagkakataon ang isang iyon, sigurado akong tatakasan siya. "Okay, tawanan mo kami. Kapag natakasan ka ni Aubrey, sinisiguro ko na maglalasing at a-atungal ka sa sulok," sabi ko pero niyabangan pa ako na malabong mangyari ang bagay na 'yon. "Maghanap ka na ng