LIEGH "Huwag mong kainin 'yan," masungit na utos ni Declan sa akin ng akmang bubuksan ko ang isang malaking balot ng jellyace na dala ni Dexon. "Bakit hindi, masarap 'yan," nakangiti na sagot ko sabay agaw dito ng supot sa kamay nito. "How did you know na masarap 'yan eh mukhang mga plastik na kinulayan ang mga 'yan?" iritableng tanong nito. Inirapan ko ito at pilit na kinuha ang hawak nito kaya ang resulta, para kaming mga batang paslit na nag-agawan sa harap ng mga kaibigan nito. "Aray!" malakas na hiyaw ni Declan ng apakan ko ang paa nito. Nagulat siya kaya distracted. Naagaw ko ang supot at naka-ngisi na binuksan ko sa harap nito ang malaking plastic kaya wala siyang nagawa ng kumuha ako at naupo malapit kay Jared na tahimik sa tabi ko habang pinapanood ang bangayan namin ng kai