LIEGH "Hindi ka ba papasok ngayon?" nagtataka na tanong ko ng magising akong nakaupo si Declan sa sofa at abala sa kaharap na laptop nito. "Not today, may lakad ako mamaya," sagot nito. "Okay, saan naman?" curious na tanong ko at na-upo sa tabi nito. "May usapan kaming magkikita ng mga kaibigan ko. May mga problema sila sa buhay eh." Nakakatuwa naman, despite na busy sila sa sariling mga negosyo ay nagagawa pa pala nilang damayan ang isa't isa. "So, saan kayo pupunta at magkikita?" interested na tanong ko. "Sa bahay ni Alexander," sagot ni Declan na kinabig ako ng yakap at hinalikan sa ulo. Alam kong may kinasangkutan na problema si Dexon at recently ko lang nalaman na iniwan ng asawa si Jared pero ano naman kaya ang issue ni Alexander dahil ang pagkakaalam ko ay nasa Russia na ito