LIEGH "Ano iyang suot mo?" bungad na tanong ni Amara sa akin ng bumaba ako. Naka-jeans lang kasi ako at puting tee-shirt kaya siguro ganito ang reaksyon niya. Ang sosyal nga naman ng ayos niya habang naka-fitted dress siya samantalang ako, parang alalay lang na kasama niya. "Ayos na 'to, Amara. Kumportable naman ako na ganito ang suot ko," sagot ko habang tinitingnan ang puting sandals na suot ko. "Alright, baka abutin pa tayo ng tanghali kapag mag-bihis ka pa ulit." Ngumiti lang ako dahil kahit paano ay nahihiya ako sa kan'ya dahil ang layo ng difference namin kung titingnan. "Let's go," sabi ni Amara na hinawakan pa ako sa braso. "Magsasaya tayo habang wala ang mga asawa natin." Natawa ako ng parang batang humagikhik pa si Amara na naglalakad palabas ng ng bahay at patungo sa