LIEGH Daig ko pa ang istatuwa sa kinauupuan ko, hindi nagsasalita at nakaupo ng tuwid. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko dahil sigurado na akong nakilala agad ako ni Declan na ngayon ay naka-upo katabi ko. "It's useless if we still wear this," narinig kong sabi ni Amara na inalis ang nakatakip na maskara sa mukha. Nakailang lunok ako ng tingnan niya ako at sabihin na alisin na ang takip sa mukha ko. "You should take off your mask, Liegh. They already know who we are," sabi pa ni Amara kaya lalo lamang akong kinabahan. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag kay Declan. Mali kasi na sumama ako kay Amara at ganito pa ang ayos ko ng makita niya. Daig ko pa tuloy ang hindi mapakali sa tabi ng asawa ko na pormal ang mukha at tila balewala lamang ito sa kapatid na ngayon ay katabi