LIEGH Inabot ko kay Declan ang cellphone nito matapos kong makausap ang kapatid niya. Nagdadalawang isip ako kung paano ko sasabihin sa kan'ya ang plano ko pero kailangan na lakasan ko ang loob ko. "Declan may tanong ako sa 'yo," lakas loob na sabi ko. "Ano 'yon?" agad na sagot nito na humarap pa sa akin. Saglit na lumunok muna ako at bumuga ng hangin mula sa baga bago magsalita. "Bakit maraming lihim at nakatagong lagusan ang bahay mo at saka bakit may underground pa?" hindi makatiis na tanong ko. "For our safety, nakita mo naman ang nangyari at malaking tulong iyon para maprotektahan kita," sagot nito. Sa totoo lang ay pumintig ang puso ko ng dahil sa narinig kong sinabi ni Declan. May impact sa akin ang bawat salitang binitiwan niya at hindi ko maitatanggi sa sarili ko iyon pero