LIEGH Bumaba ako at sa sala humantong. Tahimik ang buong bahay, walang kahit anong bakas ng karahasan sa paligid ng suyurin ng mga mata ko. Out of curiosity, umakyat ako sa silid namin ni Declan. Gusto kong makita kung ano na ang ayos nito dahil sigurado akong nagkagulo doon kagabi. Dahan-dahan na itinapat ko ang daliri ko sa sensor hanggang sa bumukas ang pintuan. Malakas ang tahip ng dibdib na humakbang ako papasok at pilit na nilalabanan ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na gawin ito gayong kung sakaling nangyari ito noon ay alam kong hinding-hindi ako babalik dito ngayon. Tahimik ang buong bahay, nawala ang malambot na carpet na dati ay nakalagay sa paanan ng kama. May tama ng mga bala ang ang dingding at nabasag rin ang salamin. Ala