LIEGH Nakalabas na ako ng hospital at ang pasaway na kinakapatid ni Declan ang naghatid sa amin sa isang high rise condominium dito sa Global City sa Taguig. Dati nakikita at tinitingala ko lang ang ganitong building. hindi nga ako basta nakakapasok dahil kapag nalaman ng mga security guard na taga media ako ay pinagtatabuyan agad ako lalo na kung gaya ni Dexon Miller ang naging target ko na napakahigpit ng security. Ilang ulit kong sinubukan na ma-interview ang kaibigan na 'yon ni Declan pero kahit minsan ay hindi ako nagtagumpay. Bukod sa mahigpit na security nito ay ang hirap niyang masundan. Napakailap niya at halos anino na lang ang naabutan ko kahit pa malinaw naman ang paningin ko. Hindi ko nga akalain na darating ang araw na makakaharap ko siya ng personal at magagawa kong paka