LIEGH Naalimpungatan ko na may mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Kunot noo na bumaling ako sa kanang bahagi ng hospital bed na hinihigaan ko para tingnan kung sino ito at kung tama ang hinala ko. Sinusubukan kong hilahin ang nangangalay na braso ko pero naramdaman kong gumalaw ang ang lalaking nasa tabi ko na nakatulog pala ng nakaupo. "Babe," inaantok pa na bati ni Declan sa akin ng mag-mulat ito. Naumid ang dila ko, napakurap ako sabay lunok. Halatang puyat at pagod siya pero hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan ng lalaking nasa harap ko. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago muling bumaling sa kan'ya ang paningin ko. Bigla kasing rumagasa sa isipan ko ang nakita kong tagpo sa loob ng basement sa underground na pinasok ko bago ako nawalan ng malay. Wala na ang m