DECLAN "Boss, wala po akong masyadong alam. Pinapalabas po ako ni bossing kapag may importante siyang deal at kausap," sagot ng kanang kamay ni Hipolito pero nginisihan ko ito. "I don't believe you," matalim ang mga mata na sagot ko. "Hindi ako tanga at lalong hindi bagong panganak sa mundo para hindi ko malaman kung hanggang saan ang trabahong ginagawa mo para sa demonyong ito!" malakas na singhal ko. "You choose to lie instead of telling the truth. Now let see kung hanggang saan mo kayang magsinungaling!" Nag-lumikot ang mga mata ng kanang kamay ni Hipolito ng tawagin ko ang isa sa mga tauhan kong kasama dito sa theater. Wala akong balak makipaglaro at lalong wala akong mahabang oras para pigain siya. "Anong gagawin n'yo sa akin?!" takot at malakas na tanong nito habang kumakawag a