LIEGH Daig ko pa ang may alagang bata nitong nakaraang tatlong araw. Para siyang batang may sakit na ayaw paiwan sa nanay. Masyado ng clingy si Declan na konting kibot ay gustong nakayakap agad sa akin. Minsan akala ko inuuto na lang ako ni Declan dahil sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang santol. Pero ayaw ko na siyang maghanap n'yan dahil baka kung ano na naman ang mangyari sa kan'ya sa labas. "Babe, for you," sabi ni Declan ng bumungad sa harap ko. Galing siya sa labas at pinuntahan ang mga tauhan. Hindi ko alam kung bakit at para saan pero nanlaki ang mga mata ko ng makita ang dala nito. "Wow," hindi makapaniwala na bulalas ko. May dala siyang naka-plastic na malaking santol. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ito dahil ang sabi niya ay wala silang