LIEGH Ramdam ko ang matinding galit ni Declan. Kuyom ang kamao habang madilim ang mukha na nakatayo sa harap ng mga nakahilerang tauhan at kasambahay dito sa bahay. "Kung sino sa inyo ang kasabwat ng babaeng ito, makabubuti sa inyo kung lalaantad na kayo. Otherwise, pagsisihan n'yo kapag ako mismo ang nakahuli sa inyo!" malakas na tanong ni Declan sa mga tauhan. "You, anong alam mo sa masamang balak ng babaeng ito?" galit na tanong ni Declan sa mayordoma dito sa malaking bahay na si Zenaida. "My apologies sir, wala po akong alam at kinalaman sa masamang balak ng babaeng 'yan," nakayuko na sagot ng mayordoma. "You all know very well kung ano ang magiging parusa sa mga taong nagtangkang gumawa ng masama sa akin at sa pamilya ko! Hindi ko palalampasin ang katrayduran ng kahit na sino!"