CHAPTER 125

1844 Words

LIEGH "Let's go, Amara. Hindi tayo dapat magsayang ng oras," agad na sabi ko sa kapatid ni Declan. Panay ang paramdam ni Jacob sa amin kaya hindi pwedeng makampante kami. Mahalaga ang bawat oras na lumilipas at bawat patak ng orasan ay katumbas nang bawat buhay at kaligtasan naming lahat. Hindi namin p'wedeng pagkatiwalaan si Jacob. Gagawa siya ng paraan para guluhin kami at hindi niya sasayangin ang bawat pagkakataon na makalapit sa Amin at gawan kami ng kasamaan kaya dapat ngayon pa lang ay alam ko na kung paano ko siya lalaruin. "Teka, Liegh, kaya mo na ba? Alalahanin mo, bagong panganak ka," paalala ni Mommy Irish kaya agad na sumagot ako. "Opo, at kakayanin ko po mommy. Hindi ako papayag na habang buhay na guguluhin ni Jacob ang mga buhay nating lahat," determinado na sagot ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD