LIEGH Ilang segundo ang lumipas bago tuluyang nag-sink sa isip ko ang mga katagang sinabi ni Mommy Irish. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko at hindi ko lubos maisip na maririnig ko ito sa kan'ya ngayon. "How? Hindi totoo 'yan. Impossible ang sinasabi ko mommy," panay ang piling ng ulo na sagot ko. "Hindi ako naniniwala, hindi ko kayang paniwalaan 'yan!" malakas na sabi ko. "Sana nga hindi totoo ang lahat ng ito, Liegh. Hindi ko kayang tanggapin na wala na ang anak ko," humahagulhol na sagot ni Mommy Irish. Hindi ko malaman kung paano dadamayan si Mommy Irish dahil ako man sa sarili ko ay lubos na nanghina dahil sa narinig ko. "Si Daddy Collin, nasaan po siya? Hindi ba magkasama silang dalawa kanina?" sunod-sunod na tanong ko. Ayaw kong mawalan ng pag-asa kahit pa nakikita ko kung

