LIEGH Dalawang araw na ang lumipas simula nang bumalik kami dito sa bahay sa Rizal. Kahit paano may munting alaala akong naalala pero ang nakakainis ay bihira lang at putol-putol pa. Daig ko pa tuloy ang paranoid sa mga kasama ko dito sa bahay. Bawat tao sa paligid ko ay pinagmamasdan ko at lihim na pinag-aaralan ang bawat kilos ng mga ito. Walang ligtas kahit ang mga kasambahay na lumalapit sa akin pati na rin ang bawat taong dito sa loob ng compound nakatira. "Madam, kumusta po ang pakiramdam mo?" nakangiting tanong ng lumapit na si Zenaida. Nakalapit pala ito sa akin dito sa garden nang hindi ko namamalayan. Kanina pa kasi nakatutok ang atensyon ko sa article na binabasa ko at walang kahit isa ang nangahas lumapit sa akin maliban sa kan'ya. "Mabuti naman po, Aleng Zenaida. Ikaw,

