CHAPTER 131

2333 Words

LIEGH Kinaumagahan, maaga akong nagising. Lumabas ako sa veranda at pinagmasdan ko ang maliwanag na kapaligiran. Kung titingnan ay payapa ang dapat sana ay pamumuhay namin dito sa Rizal. Malaki ang bahay at malawak ang lupa at ari-arian ni Declan dito pero nakakabahala rin ang labis na katahimikan sa lugar na ito. Malayo kami sa mga kapitbahay dahil sabi ni Declan, halos kalahati sa lugar na ito ay pag-aari pala niya kaya ginawa niyang hacienda at dito bumuo siya ng napakalaking grupo na aakalain lamang ng mga tao sa labas na typical na nagtatrabaho lamang sa bukid pero ang hindi alam ng mga tao sa labas ng hacienda ay isa lamang ito sa mga paraan ng asawa ko para hindi pag-initan ng pulisya at lalong pakialamanan ng batas. Ngayon ko naiintindihan kung bakit may underground pa ang bahay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD