LIEGH "Saan ka pupunta?" tanong ko kay Declan. Hindi kasi nakaligtas sa mga mata ko na loaded ang baril na pilit niyang itinago kanina ng pumasok siya sa secret room dahil inakala ni Declan na tulog na ako. Umuwi siya ng maaga at mahigit isang oras na naglagi sa underground. Sigurado akong may kinalaman dito si Mayor Lamisarez. Napanood ko ang balita tungkol sa pagtakas niya kanina. May tracker na nakakabit sa katawan nito ng hindi namamalayan ayon na rin sa utos ni Declan sa ilang mapagkakatiwalaan na mga tauhan. Ngayong tumakas ito, isang bagay ang magaganap at iyon ang susundan siya ni Declan para mahuli si Jacob. "May lead na ako kung saan nagtatago si Lamisarez," sagot nito na lumingon sa akin. "Kailangan ba na ikaw mismo ang pumunta at hindi pwedeng i-utos mo na lang sa mga

