LIEGH "Parang awa mo na. Kung sino ka man, please, tigilan mo na 'to," kunwari ay natatakot na pakiusap ko. Gusto kong ma-establish sa isipan niya na takot ako at wala akong kakayan para manlaban at ipagtanggol ang sarili ko ng sa gano'n ay lumutang siya at magpakita sa akin saka kami magtutuos gaya ng plano ko. "Kunin mo ako kung 'yan ang gusto mo. Sasama ako kung kinakailangan huwag mo lang saktan ang pamilya at mga anak ko," nakikiusap na sabi ko pa. Bigla kasing na tahimik ang lalaking kausap ko sa kabilang linya. Sigurado akong nag-iisip siya kaya kailangan na samantalahin ko ang pagkakataon na malinlang so Jacob. "Talaga, sasama ka sa akin?" hindi makapaniwala na tanong nito. "Yes, basta mangako ka na hindi mo sasaktan ang mahal ko sa buhay at ang mga bata." Lalo ko pang pinag

