DECLAN "Nasaan sila?" galit na tanong ng asawa ko sa akin. "Nasa room ni Uno," agad na sagot ko dahil daig pa ang patalim na hinihiwa ang balat ko sa paraan kung paano niya ako tinapunan ng nagbabanta at nag-aakusang paningin. "Babe, wait!" malakas na tawag ko pero nagmatrsa na si Liegh palabas ng silid. Lintik, mukhang disaster na naman ito. Kung bakit kasi doon pa dinala ni Uno si Andrea e, alam naman niyang dragon ang kapatid nito na talagang galit na susugod sa silid na iyon. "Babe sandali lang!" malakas na tawag ko kay Liegh ng abutan ko sa loob ng elevator. "Huwag mo akong ma-babe-babe Declan!" nakasimangot na sagot nito. Napalunok na lang ako na tinikom ang bibig dahil ayaw kong sa akin niya ibunton ang galit. Kilala ko ang ugali ng asawa ko and i won't provoke her. Bahala

