DECLAN. Malakas at nakakarindi na tawa ni Mayor Lamisarez ang pumailanlang sa buong paligid. Nag-iinit ang ulo na binalingan ko ito na tila nababaliw na gaya ng anak nito. "Kahit anong gawin mo, hindi mo matatalo ang anak ko! Hindi mo kayang tapatan ang talino at kakayahan niya!" nanunuya na sigaw pa nito. Nananadya talaga ng demonyong ito at mukhang hindi na nito gustong mabuhay ng matagal dahil sinasagad ang pasensya ko. "Laugh all you want, that's the only thing you can do right now dahil hindi na magtatagal ang buhay ninyo nitong demonyong anak mo!" Lumakas pa lalo ang tawa nito sabay dumura pa sa harap ko. Hindi ako nakapag-pigil at kinuha ko ang baril ng tauhan ko at binaril ko sa mga tuhod si Mayor Lamisarez. "Bago kita patayin, uunahin ko muna itong anak mo!" sabi ko na

