LIEGH "Bakit ang daming tao?" tanong ni Declan sa akin ng makalapit kami sa ilog. "Ganito talaga dito sa probinsya kapag nagkakatay ng hayop. Normal lang 'yan dito kaya 'wag ka ng magtaka," sagot ko kay Declan. "Oh, andito na pala ang manugang ko!" malakas na sabi ni papa na kumuha ng atensyon namin ni Declan. "Akala ko ba isang baka lang kakatayin n'yo? Bakit dalawa 'yan at bakit may kambing pa?" nagtataka na tanong ko "Nako, itong asawa mo kanina, binili ang isang baka ni Kadyo dahil masyado raw maraming tao dito sa atin kaya kulang ang isa. Ito namang kambing, abay regalo ni mayor," sabi ni papa bagay na pinagtataka ko. Nagtataka na tiningnan ko si Declan, saan kaya kumuha ng pera ang lalaking ito? Wala namang atm machine dito para mag-widraw siya at lalong wala akong nakitang m