CHAPTER 44

2002 Words

LIEGH Malakas na katok ni mama sa pintuan ang gumising sa akin. Napabalikwas ako ng bangon ng maalala na hubo't hubad akong nakatulog yakap ni Declan kanina. Hawak ang dibdib na nakahiga ako ng maluwag ng makita na nakasuot pala ako ng silk na roba kaya inayos ko ang tali bago pinag-buksan si mama. "Bakit po?" inaantok na tanong ko. "Hapon na anak, hindi ka pa nag-tanghalian. Panay ang tulog mo may sakit ka ba?" tanong nito na dumampi ang kamay sa leeg ko. "Wala po, inaantok lang ako ng ganitong oras," sagot ko sabay kusot ng mata. "Magsabi ka nga sa akin, Liegh. Buntis ka ba?" tanong ni mama na seryoso ang mukha. "Hindi po," sagot ko pero natigilan ako ng maalala na hanggang ngayon pala ay hindi pa dumating ang buwanang dalaw ko. "Kow, sa edad kong ito, hindi mo ako mapaglilihiman.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD