Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko ng i-angat niya ang belo at hawakan ang magkabilang pisngi ko. Sa harap ng lahat at nang mga naging saksi ng kasal namin ay siniil ako ng halik ni Declan hanggang sa kusa siyang tumigil dahil marahil napagod na siya. Nalasahan ko pa ang kakaibang lasa sa labi niya na alam kong dahil iyon sa ginawa niya sa hiyas ko. Namumula ang mukha na yumuko ako, hindi ko kayang humarap sa mga taong narito matapos nilang masaksihan ang mainit na tagpo sa pagitan namin ni Declan na mukhang wala namang pakialam sa mundo na ngayon ay kausap ang ilang bisita at inaya sa loob para sa reception. Kahit masakit ang mga binti at paa ko dahil sa taas ng sapatos na suot ko ay pinilit kong tumayo ng tuwid sa tabi ni Declan. May hinala akong sinadya niyang ipas

