LIEGH Formal ang venue ng reception, nagkalat rin ang mga lalaking naka-itim at pare-pareho ng mga suot na sa tingin ko ay uniform nila. I wonder kung bakit kailangan pa ng napakaraming gwardya sa lugar na ito samantalang nasa isang private property naman kami ng mga Madrigal at hindi basta-basta makapasok ng kahit na sinong magtatangka na gumawa ng masama. "You know what, sa tingin ko talaga ay binayaran ni Declan ang babaeng pinakasalan niya. I wonder kung saang kalsada niya napulot ang babaeng 'yon. Hindi naman maganda at kita mo naman na mukhang walang muwang sa kama," mataray at matinis ang boses na sabi ng isang babae. Natigilan ako sa dapat sana ay gagawin Kong pagbukas sa pintuan ng cubicle na kinaroroonan ko. Nasa labas ang dalawang tauhan ni Declan para samahan akong gumamit

