CHAPTER 10-2

1144 Words

Inalisan niya ako ng karapatan na mabuhay ng normal. Lahat nagbago sa akin sa isang iglap na pati pagpunta ko sa comfort room ay questionable dahil asawa ko siya. "Tinatanong kita?" inis na tanong nito pero hindi napapansin ng mga taong narito dahil para lamang siyang naglalambing na asawa sa akin. "Ano ba ang ginagawa sa comfort room, ha Declan? Alangan namang matulog ako doon," inis rin na sagot ko. Bigla ay nawala ang takot sa puso ko sa posibleng kahantungan ng lahat kahit pa nakita ko kung paano tumalim ang mga mata niya at tumiim ang nagngangalit na mga bagang. Umirap lang ako at nakita ko kung paano nakatingin sa direksyon amin ang dalawang babaeng nakasagupa ko sa banyo. May pera lang sila kaya mukhang maganda pero pangit pa rin sila sa paningin ko lalo na at ang sagwa ng mga i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD