Kahit ayaw kong isuot, dahil hindi naman talaga ito mukhang damit ay kinuha ko na rin. Napangiwi na lang ako ng makita ang itsura nito dahil daig ko pa ang babaeng binebenta sa kabaret sa tabas ng tela nito. Hindi ko kayang tingnan si Declan na basta na lang naghubad sa harap ko. Walang pakialam na hinagis sa sofa ang mga damit at basta na lang umakyat sa kama na walang kahit anong saplot sa katawan. Bigla ay nangatog ang tuhod at binti ko. Ito ang unang pagkakataon na matutulog akong katabi siya at ang masaklap pa ay hubo't hubad si Declan ngayon at hinihintay akong tumabi sa kan'ya. "Faster, " sabi nito ng hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. Nanginginig ang mga kamay na hinatak ko ang damit na suot ko paitaas. Wala naman akong suot na underwear kaya tanging bra lamang ang natira per

