1
GLENN is currently making out with a girl who has a nice ass and boobs. Naka-kandong ito paharap sa kanya while pleasuring him.
Matapos iyon ay lumabas na siya sa private room na okupado niya at ng mga kaibigan. Pinuntahan niya ang mga ito sa bar stool na nag iinuman.
"Brad babae lang iyan huwag ka ngang timang!" Natatawang sabi ni Kean kay Calvin na halos magpakalunod na sa alak.
"Oo nga brad. Hindi mo gayahin itong si Glenn. Chill chill lang, ang daming chikababes diba pre?" Sabi naman ni Gino at tinapik ang balikat niya.
"Oo nga brad. Pagsabay sabayin mo pa! Ang sarap!" Natatawang sabi nito at nakiinom sa mga kaibigan. Lima silang magkakaibigan at nabuo iyon noong nasa high school pa lamang sila. Glenn, Gino, Calvin, Kean at Louie pawang mga negosyante at malikot sa babae, liban kay Calvin na sineryoso ang babae kaya ito nababaliw ngayong iniwan siya. Lugmok na lugmok ito kaya napagkwentuhan nila itong mga kaibigan.
"Kaya nakakatakot magseryoso brad. Nakakabaliw." Natatawang komento ni Gino.
"He needs a Psychiatrist pare. Aba kaninang umaga ay tatalon na sa building ng Condo niya!" Pagkwento ni Kean.
"I will set him an appointment sa isang Psychiatrist, baka magpakamatay talaga ito." Sabi ni Glenn sa mga kaibigan at itinext ang assistant niya upang humanap ng isang magaling na espesyalista sa pag-iisip. Alam kasi nilang mag isa na lang ito sa buhay. Naaksidente ang pamilya nito noong kolehiyo pa lamang sila kaya naman naipasa na agad sa kanya ang responsibilidad ng kompanya nila ng makapagtapos sila. At tanging si Eunice lang ang nakapagparamdam sa kanya ng pagmamahal at pag aalaga kaya ito ang kaisa-isang babaeng sineryoso nito ngunit nahuli niya itong may kasiping na ibang lalaki.
Napaisip tuloy siya, kung iyon lang din naman ang mapapala ng isang lalaking magseseryoso ng isang babae, mabuti pang huwag na lamang. Tingin din naman niya ay never siyang magseseryoso sa iisa lang. Gusto niya ang marami, at iba iba. Sumang ayon ang magka-kaibigan at napagpasyahang sina Glenn at Gino ang sasama rito bukas dahil may importanteng business meeting sina Louie at Kean.
KINABUKASAN ay wala pa ring buhay ang mga kilos ni Calvin, tulala ito at walang imik. Hindi ganoon ang kaibigan nila. Seryoso at tahimik ito sa marami ngunit pag dating sa kanila ay lumalabas din ang pagka-pilyo nito, marahil ay nahawa sa kanila.
"Brad. Gumayak ka at may importanteng pupuntahan tayo." Sabi ni Gino sa kaibigan, doon sila natulog sa condo ni Calvin nang gabing iyon. Matapos mag almusal ay umalis na sila at nagpunta sa ospital kung saan nakabase ang clinic na sinasabi ng sekretaryo niya.
Habang naglalakad sila ay panay ang tingin ng mga tao sa kanila. They are hunk and handsome that is why, sanay na sanay na sila roon. Ang habulin at hagurin sila ng tingin. Nagderetso siya sa front desk at nagtanong sa babaeng nurse na natulala sa kagwapuhan niya.
"Hi Miss.." Binitin niya ang sinasabi at kinagat ang labi ng tignan ang dibdib nito. Hmm.. "Miss Nalie." He said at ibinalik ang tingin sa mukha nito. Kunyari ay binasa niya lang ang pangalan nito.
"Y-yes sir? H-how may I help you?" Nauutal na sabi nito at inayos ang sarili.
"Ahmm. We are looking for Dr. A.T. Mendoza? We have an appointment." Sabi niya at humilig palapit dito.
"Excuse me? Are you sure?" nagtatakang singit ng isang nurse doon.
"Yes. Here is our appoinment slip." Ipinakita niya iyon at kahit gulat na gulat ang mga ito ay itinuro na rin sa kanila. Anong nakakapagtaka roon? Sa isip isip niya.
"She's on 17th-floor Sir, then turn left at madali ninyo lang makikita ang clinic niya." Singit ng medyo may katandaan ng nurse doon. Nagpasalamat sila at sinunod ang instructions nito.
He felt sudden discomfort walking along the hallway papunta sa clinic na itinuro sa kanila at iniimagine ang itsura at ipapagawa sa kanila ng Doktora. Masusungit kasi at nakakaintimidate ang mga nakilala niyang nag-aaral ng Psychology. Hindi niya makakalimutan ang isang Professor niya noong college sa Psychology, nakakatakot ito na parang alam nito lahat sa kanya. Ang creepy ang itsura at galaw sobra. Gaya ng sabi ng nurse kanina ay madali nga lang nila iyong nakita dahil bungad lang iyon.
A.T. Mendoza Psy.D
Resident Psychologist/Psychiatrist
Iyon ang nakalagay sa harapan ng pintuan nito. Kumatok sila at pinagbuksan ng isang babae na sa tingin niya ay nasa late 30's na babae na nakaputi. Oh? This is the Psychologist? Not what he imagines. Mukhang nagulat ito ng makita silang tatlo.
"Hi I am Glenn Castroverde, we have an appointment, my secretary endorses us here." Pormal na sabi niya.
"Good day too sir. You may sit first." Nakangiting sabi nito kahit halatang kinakabahan ng makita sila.
"Ang weird ng mga tao sa ospital na ito." bulong ni Gino sa kanya na ikinatawa niya. Because it is, ganoon ba kasi talaga kadalang may dumaan na gwapo rito at sobra ang gulat ng mga ito? Tsk. Pogi problems sa isip sip niya.
Nagmasid-masid sila ni Gino sa lugar at puro kulay puti at tanging kulay brown na lining lamang ang naiba roon. Napakalinis at aliwalas din ng ospisinang iyon at may isang silid din sa gilid na may nakalagay na Psychologist/Psychiatrist sa pintuan. Nagpaalam ang babae saglit at pumasok sa isang opisina at ilang minuto ang itinagal nito bago maluha-luhang lumabas at pinakiharapan na sila.
"I'm sorry for the inconvenience Sir, who is the client po?" Tanong nito nang maupo ito sa katapat na upuan nilang tatlo.
"Him. He is been experiencing too much depression. Kaya nag aalala na kami when he tries tocommit suicide." Imporma niya at tumango tango ang babae.
"Doc, gagaling pa po ba ito o mental na agad?" Singit ni Gino at pinipigilan niyang matawa. Kahit kelan talaga ay hindi nito mailugar ang kalokohan.
"No, there is a process and I'm not the doctor. Assistant lamang po ako ni Dra. Mendoza." Nakangiting sabi ng babae. May tinanong ito na kung ano-anong impormasyon na ayon dito ay initial assessment bago nagpaalam sandali upang iendorso sa doktora. Nagpaalam si Gino na mag gagamit muna ng banyo pero alam niyang naiinip lang ito kaya wala siyang nagawa nang tawagin na sila ni Mrs. Gonzales na pumasok na sa opisina ng Doktora.
Hinila niya si Calvin na parang walang pakielam sa nangyayare o kung nasaan sila. Wala na roon sa table nito ang nasabing doktora kaya umupo na lamang sila sa katapat na desk nito na may apat na upuan. Magkatapat sila ni Calvin, napairap na lang siya ng muling mapagmasdan ang kaibigan na halos wala nang buhay ang mga mata. Umayos siya ng upo at iginala ang paningin sa opisina, napako ang tingin niya sa pangalan na nasa desk nito.
Angela Therese Mendoza Psy.D
Psychologist/Psychiatrist
Her name is beautifu, sana lamang ay kasing-ganda rin nito ang may-ari upang kahit paano ay malibang siya. Pero mukhang malabo iyon dahil malamang ay matanda na ito at off-limits sa kanya ang mga ganoon. Bumukas ang pintuan sa isang gilid na pakiwari niya ay banyo at lumabas ang isang napakagandang babae na kasalukyang nag-aayos ng suot nitong puting coat at may Cream tops sa loob nito.
"s**t! Ang dumi talaga." Naiinis na sabi nito. Napataas ang kilay niya, this girl is beautiful and hot. Napatingin ito sa gawi niya at halatang nagulat iyon.
"Ahm. Are you the doctor?" He asked at hindi mai-alis ang tingin sa babaeng kaharap niya. Pinakatitigan siya nito at sa tingin niya ay sinusuri siyang mabuti nito. The way she looks at him ay nakaka-intimidate, but he can't look away. Masyado siyang engrossed sa kakaibang ganda nito.
"Yes," inayos nito ang sarili at umupo sa harapan ng desk nito bago sinuri ang data na ipinagtatanong kanina sa kanila. "He is Calvin Serrano. A CEO of Serrano Financing Company, 28 years old and he's suffering from depression for 2 weeks. Is it correct?" Seryosong sabi nito.
"Yes Doc." Sagot niya at nakatingin lamang siya dito. Gusto man niyang iiwas ang tingin dito ay hindi niya magawa dahil the more he looks at her ay may kung ano sa puso niyang hindi mapakali at kakaiba ang t***k niyon.
"Mr. Serrano, I'm Dra. Mendoza a resident Psychiatrist and registered Psychologist." Pagpapakilala nito at deretsong nakatingin kay Calvin bago inilahad ang kamay sa kaibigan at gayon na lamang ang gulat niya ng titigan ito ng kaibigan at tangapin ang kamay nito at sumagot.
"Calvin Serrano."
"Are you some of his relatives?" Baling naman sa kanya ng doktora.
"He does'nt have any family member, but I'm his best friend Glenn Castroverde." Sabi niya at inilahad ang kamay niya rito ngunit tinitigan muna siya nitong mabuti bago tanggapin.
"Okay Mr. Castroverde can you leave us alone first? Ipapatawag na lang kita sa assistant ko after the session." Sabi nito at ibinalik ang tingin sa mga data. Wala siyang nagawa kung hindi ang lumabas ng opisina nito, naabutan niyang natutulog si Gino sa waiting area. Walang tao roon at nagtataka sila kaya naman tinanong nila ang assistant nito. Base rito tanging may mga appointment lamang ang kinakausap ng Doktora dahil ayaw nitong crowded sa opisina. Gusto raw nitong lahat ay organized kaya ito ganoon. Almost an hour ng tumunog ang intercom ng sekretarya nito at sinabing samahan lumabas si Calvin sa opisina at kakausapin naman daw ang kasama nito.
Pumasok sila at nalukot ang mukha nito ng makitang dalawa na sila ni Gino ang pumasok. Bahagya siyang siniko ni Gino at binulungan. "Hanep pare ang ganda nga." Pinaupo sila nito, nagpakilala rin si Gino rito at tinanguan lang ito ng Doktora na ikinailing niya. Mukhang masungit si Doctora. Sa isip isip niya.
"Well, your friend is suffering for Major Depressive disorder and he has suicidal tendencies. I suggest na sa isang counselor ninyo siya dalhin at hindi sa akin, I can give you a referral to someone who will be the best therapist for his condition." pagpapaliwanag nito sa kanila.
"Doc hindi po ba pwedeng sa inyo na lang?"
"I'm sorry, but I don't actually accept male clients in my office. It's just a misunderstanding on our part not to look at all the information because of some personal reasons yesterday when your secretary set an appointment. I apologize for that kaya anuman ang mga findings na nakita ko ay irerefer ko mismo sa magiging therapist ni Mr. Serrano."
"Wait Doc. Based on your qualifications you are perfect, what is the issue here? We can pay kahit magkano pa." Sabi ni Glenn at mukhang hindi iyon nagustuhan ng Doktora.
"I know my capacity as a Doctor Mr. Castroverde. I know I can, but as a private doctor, I have my own principles. I hope you'll understand." hinging paumanhin nito kahit halatang nagpipigil lang ng inis sa kanila.
"Why? I don't understand, we can pay Doc." singit ni Gino, napailing ito at tumayo.
"I'm insulted, alright to burst that bubble I don't need your money. Please leave this room before I call the security." Seryosong sabi nito at doon sila nasindak sa paraan ng pagsasalita nito. Wala silang nagawa kung hindi ang umalis ngunit tila naiwan ang kaluluwa niya sa lugar na kung saan naroon ang babaing nagpatupi sa kanya.
======
©Miss Elie