ANGELA is currently looking at herself. Agad siyang napairap ng maalala ang mga nangyari kanina sa kliyente niya. She actually felt pity towards that man. Which is odd, may lalaki pa lang nasasaktan? He was suffering and she saw it. She brush that idea at ipinokus ang oras sa trabaho niya. Angela Therese Mendoza is a Resident Psychologist at EK Medical Hospital. She is a well-known manhater at introvert sa ospital na iyon.
Madalang lamang ang nagiging malapit dito at mabibilang lamang iyon sa mga daliri niya. She doesn't care kung anong itawag o sabihin ng iba sa kanya ng mga tao. She lost care of everything around her. Mag isa na lamang kasi siya sa buhay at ang dalawang tao na mahalaga sa kanya ay nawala na. ang Mama at Lola niya.
Ito ang nagturo sa kanyang maging malakas at matatag sa pagsubok ng buhay, at naging matatag naman siya. Sa pagiging Sikolohista ay natutuhan niya how to avoid pain and how to conquer it. She applies all the theories just to protect herself from pain, kahit na madalas ay irational na siya. She is afraid of pain, because she already suffered a lot.
Sa edad na 28 ay wala siyang matatawag na social life, ngunit mayroon naman siyang nag iisa at masasabi niyang totoong kaibigan, si Tricia. She met her by accident ng mabangga ito ng kotse niya at hanggang sa hindi niya inaasahan na makakapalagayan niya ito ng loob. Hindi niya akalaing magkakasundo sila despite of their difference. Mas naging smooth pa nga ang relationship nila at marami silang mga bagay at paboritong napagkakasunduan. Si Tricia lang ang matatawag na matalik at totoong kaibigan sa kanya. Unlike her Tricia is a breadwinner ng pamilya nito. Tanging sa sakahan lang kasi sila umaasa kaya naman ng makapasa sa CPA ay nagtrabaho na ito ng Maynila. Siya naman ay marangya ang pamumuhay subalit hindi rin naging ganoon lang kadali ang lahat sa kanya.
Tricia Aquino is an Extroverted type of person or out-going, samantalang siya naman ay Introvert na tanging piling tao lang ang kinakausap. Nagtext sa kanya ito kanina na magkita sila dahil ay may sasabihin daw ito, sinabi niyang mag grogrocery muna siya saglit bago ito puntahan sa apartment nito. Pagkagaling sa hospital ay nagderetso na siya sa isang supermarket upang mamili ng supplies sa bahay niya. Balak na rin niyang bilhan ang kaibigan kapag nagpunta siya sa apartment nito. Naglakad lakad siya at namili ng mga dapat niyang bilhin. All healthy foods ang binili niya liban sa bagay na hindi niya matatanggihan which is chocolates.
Pumunta na siya sa cashier para magbayad ng makita niyang may pinapagalitan ang isang cashier doon na isang matandang babae. Kung titignan ito ay mukhang simpleng tao lamang ito dahil naka-tsinelas at daster pa ang suot ng Lola at namili ng maraming paninda dahil napakaraming in can goods at mga noodles doon isama pa ang mga bar soap at kung ano ano pa. Nilapitan niya ang matanda at nagtanong, dahil siya ang kasunod nito.
"Miss is there a problem?" Tanong niya.
"Ma'am next counter na lang po muna. May matanda po kasi ditong pina-punch ang lahat ng ito wala naman pa lang pera!" Pagpaparinig ng cashier. Napataas ang kilay niya dito at tinignan ang matanda na nakayuko at tila napahiya dahil halos lahat ng tao roon ay nakatingin dito.
"Here's my card. Ako na magbabayad ng pinamili niya. Just apologize to her Miss, customer siya dito and she must be respected lalo't matanda na siya." Sabi niya sa cashier at inabot dito ang debit card niya. Napatingin sa kanya ang matanda na naluluha.
"I-ineng.." Naiiyak na sabi nito. Hinawakan niya ang balikat nito at hinimas iyon at nginitian ang matanda.
"Lola ako na po ang magbabayad ng pinamili ninyo hah?" Magalang na sabi niya sa matanda at nginitian ito. Angela misses her Lola Anna so much. Napakabait niyon sa kanya at ito ang naging kakampi niya kapag tinutukso siya noong bata pa lamang siya.
"I'm sorry Ma'am." Sabi ng cashier sa matanda at sa akin. Hinayaan niya na lamang ito at hinintay ding matapos ang pinamili niya.
Matapos ang nangyari ay kasama niya pa rin ang matanda at inaya itong kumain sa isang restaurant doon sa supermarket.
"Lola ano po ang pangalan ninyo?" Tanong niya rito na kanina pa pasalamat ng pasalamat sa kanya.
"Ako si Carmen.. Lola Carmen na lamang ang itawag mo sa akin Ineng. Salamat ulit kanina sa ginawa mo, hayaan mo at mababayaran din kita. Kung hindi ko lang napansin na nadukutan na pala ako kanina nang papasok ako ay hindi iyon mangyayari. Pasensya ka na talaga Ineng." Mahabang paliwanag nito.
"Wala ho iyon Lola. Saan po pala kayo umuuwi? Ihahatid ko na rin po kayo pagkatapos natin kumain. Gabi na po at delikado para sa inyo ang umuwi ng mag-isa." magalang na sabi niya.
"Huwag na iha. Magpapasundo na lamang ako sa apo ko dito. Makikitawag na lamang sana ako saiyo. Maari ba?" Sabi nito at mabilis siyang tumango at ibinigay ang cellphone niya. Maya maya ay may dinukot ito sa suot nitong panloob na nakatuping papel at may nakasulat doon na cellphone number.
"Iha hindi ko alam paano pindutin ang cellphone mo. Ikaw nga ang mag dial, hindi ko alam ang mga ganyan." Sabi nito at nailing na lamang siya at napangiti. This old lady is like her lola.
"Ito po." She dialed the number and few rings ay sumagot ito at ibinigay kaagad niya sa matanda iyon.
GLENN keep on looking to his Lola. Sa kanya kasi ito nakatira pansamantala dahil nire-renovate ang tahanan nito sa Laguna nang masira iyon ng bagyo. Kay Lola Carmen siya lumaki at nalipat ng ng maynila ng kunin siya ng ama para doon mag aral. Kaya naman abot langit ang kaba niya ng mabalitaang wala pa sa bahay niya ang kanyang lola.
"Where the hell is she?! Hindi nyo man lang talaga sya sinamahan? Mga wala ba kayong isip!?" Singhal niya sa mga katulong at ilan pang kasama sa bahay ng malaman niyang lumabas ito para mamili ng paninda nito. Tumanggi daw ito nang akmang sasamahan ng isang kasambahay at nagalit kaya natakot sila. His Lola is strict, independent but caring person. Marami itong itinuro sa kanya kaya kung mayroon man siyang karapatdapat igalang na babae ay ang Lola Carmen niya iyon, not her biological mother.
Maya maya ay biglang nag-ring ang phone niya at nagtatakang tinitigan iyon ng makitang unknown number ang tumatawag.
"Who's this?" iritableng sagot niya.
"Hello apo, Lola Carmen ito." Sagot ng nasa kabilang linya na boses na kilalang kilala niya.
"s**t Lola! Where are you? Are you okay? Bakit ba labas ka ng labas ng walang kasama?!" Kahit galit siya ay bahagya siyang nakahinga ng maluwag sa kaalamang kausap na niya ito.
"Dito lang ako apo sa may supermarket malapit lang sa bayan. May dumukot pala sa pitaka ko kanina kaya wala ako pera pambayad sa pinamili ko. Sunduin mo ako dito." Sabi nito.
"Okay La, where exactly are you? Huwag kang aalis at papunta na ako." Narinig niyang sinabi nito ang eksaktong lokasyon nito kaya mabilis siyang lumabas ng bahay at pinaharurot ang kotse papunta sa sinabing kinaroroonan nito. Pagpasok niya sa restaurant ay nakita niya kaagad ang Lola niya na nakaupo at siyang siya sa mga kinakain nito.
"Lola... You made me worried!" Sabi niya nang makalapit dito at niyakap ito ng mahigpit.
"Pasensya na apo, maayos naman ako mabuti na lamang at may angel na bumaba sa lupa at tinulungan akong magbayad ng mga paninda ko at inilibre pa ako dito." Nakangiting sambit ng lola niya. Napairap na lang siya ng makita ang isang cart na punong puno ng pinamili nito. May tindahan ang lola niya sa harapan ng bahay niya, dahil hindi ito sanay na walang ginagawa sa bahay.
Kahit sa subdivision na iyon at wala namang dapat bumibili dito pero ginawa nitong suki ng mga gwadya at mga kasambahay sa Castroverde subdivision.
"Okay. I'll pay for everything then we will go home. Hindi ka na ulit pwedeng umalis ng bahay nang nag-iisa." Seryosong sabi niya.
"Sige apo. Upo ka muna nag banyo lamang siya, pabalik na rin iyon." Ilang minuto nga ay bumalik na ang sinasabi ng Lola niya at napanganga siya ng makita kung sino iyon.
"Apo, siya si Angela. Siya ang mabait na tumulong at nagtanggol sa akin kanina." Masayang pakilala ng lola niya pero siya ay nakatitig pa rin sa mukha nito at mukhang nagulat din ito.ng nakita siya.
"Siya naman iha ang apo kong si Glenn, iyong ikinukwento ko saiyo. Ang gandang binata hindi ba? Bagay na bagay kayo." Nanunuksong sabi nito sa kanila at kitang kita niya kung paano umasim ang mukha nito sa narinig.
"Kayo talaga Lola Carmen, Ayoko ho ng nobyo at paniguradong sakit sila sa ulo. Mauuna na ho ako at may pupuntahan pa po kasi ako. Iwan ko na po kayo dito basta ingat na po kayo next time at magpasama na po kayo sa susunod okay?" Nakangiting bilin nito sa Lola niya at nakipag beso rito.
He is captivated by her genuine smile na pinakikita nito sa lola niya. She looks more beautiful with that smile.
"Miss Angela, thank you for helping my Lola. I will pay, give me your bank account and I will send it to you makabawi man lamang kami sa ginawa mo." Singit ni Glenn.
"No need, just next time make sure that you'll take good care of Lola Carmen at hindi na maulit ito sa kanya." Sagot nito at muling nagpaalam sa matanda.
"Sige iha. Ite-text text kita ha? Hihiramin ko minsan cellphone nitong si Glenn para makapag kamustahan tayo." Tumango ito at tipid na ngumiti saka nagsimulang maglakad palayo sa kanila without looking at him sinubukan niyang habulin ito.
"Hey Miss Angela." Tawag niya at napahinto ito at walang emosyong tinitigan siya.
"What Mr. Castroverde?" She said.
"You still remember me?" Wow. He is surprised that she remembered him.
"Unfortunately yes. You are the one who insulted my decision last time."
"I did'nt mean to insult you. Gusto ko lang na ikaw ang mag handle kay Calvin because for the first time when he became depressed ikaw lang ang pinansin at kinausap niya. I'm sorry if I offend you." This time hindi niya akalaing magiging seryoso at sincere siya sa mga pinagsasabi niya.
"Forget it. Just stay away from me." Sabi nito at nagsimulang maglakad ulit.
"Wait, Miss. Why? What did I do now?" Naguguluhang sabi niya.
"I just simply hate your guts so back off."
"No. I won't."
"Will you please leave me alone? Bumalik ka na sa Lola mo at baka mawala nanaman yun sa kapabayaan mo!" Nakita niyang may dumaan na galit at sakit sa mga mata nito at mabilis na nagmartsa paalis sa harapan niya.
I think it's hard to own her heart but destiny finds its way. He smirked and looks at her walking away.
=======
©Miss Elie