3

1720 Words
NAPABUGA ng hangin si Angela ng tumirik ang sasakyan niya sa kalsada mabuti na lamang at naigilid niya agad ito. Ilan na lamang ang mga taong naroroon dahil mag-aalas diyes na ng gabi. Pauwi na sana suya sa bahay nuya galing sa ospital ng natirikan naman siya ng sasakyan. Her house is 10 km away pa sa kinaroroonan niya. What now? Bumaba siya ng kotse at tinignan ang mga tire ng kotse, okay naman iyon. Hinawakan niya ang hood ng sasakyan at mainit iyon. Sinubukan niyang tignan kung ano ang sira pero hindi niya talaga alam ang mga ganitong bagay. Maya maya ay may tumawag sa cellphone niya. She frustratedly picks it up without looking at the screen. "Hi Angela, nakaistorbo ba ako sa pagtulog mo iha?" Bati ng matanda mula sa kabilang linya. Napatingin siya sa numero at kay Mr. Castroverde iyon. "Ahm hello po, hindi naman po. I'm actually heading home but something happens." Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ang gaan ng loob niya sa mga matatanda and Mrs. Castroverde is not an exception to that kahit napakahambog sa paningin niya ang apo nito. "Bakit iha? Anong nangyari, ayos ka lang ba?" May bahid pag aalala ang boses nito. When was the last time na may nag alala sa kanya? Aside from her bestfriend ay wala na ni isa ang nagtanong kung maayos lang ba siya. "I'm okay po, nasiraan lang po ako ng kotse sa daan, magco-commute na lang po siguro ako para makauwi na." Sagot nito at luminga linga sa paligid. Wala nang kahit na anong taxi ang dumadaan doon. "Where exactly are you iha?" Tanong ng matanda at sinagot niya iyon. "Sige huwag kang aalis muna ha? Papapuntahin ko qng apo ko para ihatid ka. Delikado kung magta-taxi ka lalo at gabi na." Giit nito na agad ikinataranta niya. "Naku huwag na po. Kaya ko na po sarili ko Lola, huwag na po kayong mag abala ayos lang po talaga ako." Mabilis na sagot ni Angela pero hindi nakinig ang matanda at patuloy na sinabihan siya nito. Napapailing na lamang si Angela at umiisip ng ibang paraan para makauwi siya at hindi na maihatid pa ng Glenn na iyon. "GLENN! Gising!" Sigaw ng Lola Carmen niya. "Why La? Anong oras na? Pagod po ako kakatulog ko lang." Sabi ni Glenn at nanatiling nakahiga sa kama niya. "Puntahan mo si Angela she's needs our help!" Sigaw ulit nito at tila biglang nagising ang diwa niya sa narinig at base na rin sa pag-aalala ng Lola niya para sa dalaga. "What?! Why? Where is she?" Bila siyang napatayo, sinabi naman ng Lola niya kung nasaan ito at hindi na niya natanong kung anong nangyare at humblot na lamang siya ng sando at pinaharurot ang kotse papunta sa kinaroroonan ng dalaga na hindi halos kalayuan sa kanila. Mula sa malayo ay natanawan na niya ang nakahintong kotse nito at may dalawang lalaking kumakausap dito. "Miss halika na at ihahatid ka na namin." Nakangising sabi ng lalaki. "Leave me alone!" Mataray na sabi nito akmang hahawakan ito ng isang lalaki pa ng lumabas na ako. "Subukan mo lang na hawakan siya at makakatikim ka sa akin." Mapanganib na sabi ni Glenn sa mga lalaki. Halatang nagulat naman si Angela sa pagdating nito. "At sino ka naman? Huwag kang makielam dito." Sabi ng isang lalaki at bigla na lang hinablot ang braso ni Angela at halatang nasaktan ang dalaga kaya naman lalo siyang nagalit sa ginawa nito. "Sinusubukan ninyo talaga ko ahh.." He said firmly and clenched his fist. "Huwag ka sabing makielam dito!" Sigaw ng isang lalaki at inambaan siya ng suntok but too late naunahan na siya ni Glenn. One against two? Napailing na lamang si Glenn ng tamaan siya ng isa kaya naman binawian niya ito ng dalawang malakas na suntok at tumaob silang dalawa. Nakatulala lang si Angela sa nangyayare at nagising lang ng hawakan ni Glenn ang kamay niya at inaya siya sa kotse nito. "Sumakay ka na, bago pa magising ang dalawa pangit na iyon." Sabi nito "A-ang kotse ko.." Mahinang sambit niya. "Ano ba kasing ginagawa mo sa ganitong oras sa gitna ng kalsada? Gusto mo bang ipahamak ang sarili mo?" May bahid ng galit ang boses nito. "Excuse me? Nasiraan ho ako ng kotse sa gitna ng daan at hindi ko ginusto iyon! At sinong tanga ang gagawa niyon!" Hindi na rin niya napigil ang ini na ikinagulat ang binata sa biglaang sigaw niya. "Okay I get it. Chill babe..." nakangiting sabi nito at hindi pinansin ang pagalit niya. "Let me check your car first nang makauwi kana din. Akin na ang susi mo." Sabi nito at inilahad ang kamay. Walang nagawa si Angela kundi ang pairap na inabot ang susi ng kotse niya. Muli itong lumabas at ininspeksyon ang kotse niya at napailing ito ng umusok ang binuksan nito at muling isinara. "When was the last time na pinagtinignan mo ang sasakyan mo?" Tanong nito ng bumalik sa kotse at ibinalik ang susi sa kanya. "Hmm hindi ko pa dinadala since I buy it." "When?" "Almost two years ago?" Alangan pa niyang sagot. "I see. How about carwash? Kahit paano maiche-check nila ang makina ng sasakyan mo kapag nagpap-acarwash ka." Sagot nito at ini-start ang kotse. "Hindi din ako nag papa-carwash.." Simpleng sagot niya. "Sino ang naglilinis ng kotse mo?" "Ako." Napatitig ito sa kanya at napailing.. "Ipapa-tow ko nalang ito bukas. Ihahatid na lang muna kita sa bahay ninyo." "Kaya ko nang umuwi mag isa. Hindi mo na kailangan mag abala pa." pagtanggi niya dito. "Miss Angela please? Wala ka nang ibang masasakyan sa ganitong oras. Kung mayroon ay delikado pa, nakita mo ang dalawang iyon? Madami pang kagaya niyan sa mundo kay kung hindi ka pa uuwi baka mameet mo pa ang karamihan sa kanila." He said at napairap si Angela lang dito at hindi kumibo because its true. "Kung hindi ka sigurado sa driving skills ko you can drive." pagkukumbinsi ni Glenn sa kanya kaya't napairap itong muli. Her pride must lowdown para makauwi siya ng payapa. "Your key." Tipid niyang sagot at lumapit sa driver seat. Nakangising inihagis naman ni Glenn ang susi dito at naupo sa passenger seat. "Over time from work?" Glenn tries to open a conversation. "Yeah." "Ahh.. I see." natameme siya dahil wala na siyang iba pang masabi dito. Halatang ayaw nitong kausap siya. Habang nasa byahe ay tahimik silang dalawa at nagpapakiramdaman lang. "Dito na lang ako." Sabi ni Angela at tumingin sa kanya. "Ipapakuha ko na lang ang kotse mo then ipapahatid ko bukas ng umaga ayos lang?" Sabi nito at lumabas din ng kotse ng lumabas ito. "No thanks, kaya ko naman ayokong nakakaabala pa sa iba." "Well, naabala mo na ako paano ba iyan? Mahimbing akong natutulog kanina dahil napagod ako sa trabaho pagka-uwe and then pinuntahan kita kanina at heto pa ang napala ko." Nakangising sabi nito pero nawala rin ng bahagyang umigik ng magalaw ang sugat at itinuro ang natuyong dugo mula sa gilid ng labi nito. "I did'nt ask you to come!" Giit niya pero kahit paano ay naging kampante siya ng dumating ito. "But I came and save you from those bastards. A simple thank you will do." Napatitig siya sa naging seryosong mukha nito. At bahagya syang naguilty dahil mula pala kanina ay hindi siya nakapagpasalamat dito at nakapagsorry man lang sa pang aabala nya. "Thank you." Mahinang sabi niya at alam niyang narinig iyon ng binata at bahagyang ngumiti. "Sige alis na ko. Take care next time." Sabi nito at hinimas ang panga nito bago tumalikod. "W-wait.. Glenn.." Tawag niya na ikinalingon ng lalaki. "Hmm.." "Gamutin ko muna sugat mo, baka mag alala yung lola mo pag nakita ang pasa mo." Sabi niya at binuksan ang gate niya. HINDI maipaliwanag ang saya ni Glenn ng tawagin siya ni Angela sa pangalan. Glenn.. Sounds heaven to his ears. Napailing na lang at sinundan ang dalaga papasok sa bahay nito. "Tulog na ang mga kasama mo?" Tanong nito kay Angela ng paupuin siya nito sa sala. Simple lang ang bahay at two storey house design ito at tanging light colors lang ang naroon gaya ng sa opisina nito. "No, I'm alone here." Tipid na sagot nito at tumabi sa kanya at inilabas ang first aid kit. "It's dangerous for a woman to live alone." Komento niya at nagpatuloy ito. "Nah.. I'ts better, peaceful." "No its not..- Ouch!" Naputol ang iba pang sasabihin niya ng idiin ng dalaga ang ointment na inilagay sasugat niya. Nagpipigil ito ng ngiti. "Babalikan ko talaga yung dalawang mokong na iyon.. Naisahan ako ng suntok ang hanep." Sabi nito. "Bakit kasi sinugod mo pa, dalawa iyon at nag-iisa ka lang." Sabi ni Angela. He asks like a heroine and he makes me feel like a damsel in distress. Tsk, that archetypes of Carl Jung because it made sense! Usal ng dalaga sa sarili at napairap na lang . "Malamang ikaw ang naisahan ng mga iyon!" "Kaya ko ang sarili ko." "Ganyan ka ba talaga? Ayaw mong tinutulungan ka ng iba?" Nakakunot ang noong tanong nito. "Oo, dahil kaya ko ang sarili ko at hindi ko kailangan ang kahit na sino." tipid nyang sagot dito. "Sana ibukas mo din ang puso mo sa ibang gustong mas makilala at mahalin ka." Napailing si Glenn sa nasabi. Where did he get those words? "Wala kang alam." Malamig na tugon niya at umiwas ng tingin. Dahil ideny man niya ang mga sinasabi nito hindi nya kailanman maitatago ang katotohanang iyon sa sarili niya. Na hindi na inya kayang bukasan ang sarili sa iba kung sasaktan lang din naman siya. " I know nothing about you.. but I feel it, you need someone you can lean to and I want to be that person for you.." He said and stands up. "Lock all your doors at mag ingat ka. I'll pick you up tomorrow dahil wala pa ang kotse mo." Iyon lamang ang huling sinabi nito at nagtuloy ng lumabas sa bahay niya. Hinawakan ni Angela ang puso niya because another strange feeling again ang gumagalaw sa puso niya. No.. Huwag kayong matitibag. She whispered. She builds a walls around herself to avoid pain from men, from people. Dahil walang ginawa ang mga ito kundi ang saktan siya. Not you Glenn Castroverde. ========== ©Miss Elie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD