GLENN is true to his words. Kinabukasan nga ay maaga pa lamang ay naroon na ito sa labas ng bahay niya at nag aabang.
"What are you doing here?" She asked dahil hindi niya inaasahan ang pagpunta nito lalo at ala-sais pa lamang ng umaga.
"Good morning there beautiful." Matamis ang ngiti nitong binati siya na parang walang nangyari kagabi. "As I've said, ihahatid kita sa ospital since ginagawa pa daw ang kotse mo, but I think napa-aga yata ako masyado? Hindi ko kasi naitanong kung anong oras ang pasok mo." Kakamot-kamot pang sabi nito ng makitang naka pang jogging siya.
"Yeah. Umuwi ka na, mag tataxi na lang ako mamaya." Sagot niya dito at nilampasan ang lalaki nang hindi ito binabati pabalik.
"No, nandito na ko kaya sasamahan na lang kita. Oo tama! sasamahan na lang kita." Hindi nagpapaawat si Glenn sa pang iisnob ng dalaga as long as lagi niya itong nakikita. Hindi niya nga halos maintindihan ang sarili, just by seeing her ay nabubuo ang araw niya. He knows na hindi na lamang ito simpleng attraction sa dalaga. Kung hindi gusto na niya ito, or baka mas malalim pa doon. He's afraid about what he feels towards this woman. Gusto man niyang umatras at layuan na lamang ang masungit na dalaga dahil sa hindi mukhang hindi rin ito napapagod na ipakita ang disgusto nito sa kanya sa tuwing nakikita siya nito. But his actions is oppossite on his mind, dahil kahit isipin niyang lubayan na ito ay parati pa rin niyang nasusumpungan ang sariling hinahanap hanap ito.
He admits that Angela is a great challenge to him. Never siyang nahirapan sa kahit na anong bagay at lalong lalo na sa mga babae. Sa katunayan ay sanay siyang ang mga babae ang kusang lumalapit sa kanya. He always gets what he wants, sa ngayon ay si Angela Therese Mendoza ang pinakagusto niyang makuha, ang atensyon nito at ang puso nito.
"Good morning Dra." Magiliw na bati ng isang may edad na babae kay Angela ng mapadaan sila sa isang malaking bahay.
"Good morning din po Manang Helen." Nakangiting bati naman ni Angela. She's a living angel here on earth every time she smiles like that. Genuine and true.
"Boyfriend mo na ba siya iha? Kay gwapo naman talaga at bagay na bagay kayo. Mabuti at naisipan mo ng magnobyo nang hindi ka na laging binabastos ni Revin." Sabi ng tinawag ni Angela na Manang Helen, napakunot ang noo ni Glenn sa narinig, may nangbabastos dito? How can they do that to this living angel?
"A-ahm hindi ko po siya boyfriend Manang. " sabi agad ni Angela.
"May nang babastos saiyo dito?" Hindi niya mapigilang tanong kay Angela sa seryosong tono. Napatingin naman ito sa kanya na mukhang hindi inaasahan ang naging tanong niya.
"Ah kasi iho matagal nang tipo ni Revin itong si Dra, pero hindi siya makaporma kaya lagi niyang pinipilit ito at kung ano ano ang mga sinasabi. Kaya nga sabi ko kay Dra ay mag nobyo na siya upang may magtatanggol na sa kanya sa mga bastos na lalaki!" Sagot nito.
"Manang hindi ko kailangan ang kahit na sino para ipagtanggol ako. I can protect myself." Biglang singit ni Angela sa babae bago nagpatiuna na sa paglalakad matapos magpaalam.
"Huwag ho kayo mag alala Manang ako na magtatanggol sa kanya. Ibigay ninyo ho sa akin ang buong pangalan ng lalaking iyon at ako mismo ang bahala sa kanya." He asked at sinabi naman nito ang buong pangalan and he mentally note that bastard's name. Nakangiting nagpaalam na siya sa ginang bago humabol muli kay Angela.
HINDI na bago kay Angela ang hanggaan at i-pursue ng mga lalaki. She's beautiful and sexy alam niya iyon, and guys being guys gusto ng mga ito ng mga pang-display at babaeng magpupuno sa mga pangangailangan nila. Angela swears that she's not going to become one of those boys pets again. Hinding hindi na siya magpapadomina sa mga ito, hinding hindi na niya hahayaang manipulahin ng isang lalaki lang ang buhay niya.
Yes, women have a weak and soft heart. Natural na yata iyon, ngunit it's a personal choice if magiging submissive sila at ayaw niya iyon never na siyang magiging ganoon. She promised not to be as weak as her mother na nagpakamatay matapos iwanan ng kanyang amang naghanap ng iba. She's so young that time when her parents separates at wala sa dalawang magulang niya ang kumuha sa kanya.
Laking lola siya, dahil ito lang ang nagmahal at nag aruga sa kanya simula pa nang maghiwalay ang mga magulang niya. Masaya naman sila noong buo pa sila, ngunit sa hindi niya maintindihang dahilan ay nasira na lamang iyon dahil sa pagtataksil ng kanyang ama sa kanyang ina. At gaya ng mama niya ay hiniwalayan din ng lolo niya ang lola niya noong kabataan nito at nagka asawa ulit at naghiwalay din ulit. Tatlo na daw ang naging asawa nito at lahat ng iyon iniiwan lagi ang lola niya at sumasama sa iba.
Lumaki siyang ganoon ang nakikita, na ang mga lalaki ay mabilis mag sawa, pero ng tumungtong siya ng high school ay may lalaking hindi nagsawa sa kanya. Kahit anong iwas niya rito ay panay ang lapit nito sa kanya hanggang sa hindi na niya namalayang nasanay na siya sa presensya nito. She's her first love, first boyfriend, and her first heartbreak because that guy is an ass! Pina-ibig lang pala siya nito dahil sa bet ng mga kaibigan nito. She hated herself to fall on that trick dahil sa kasabikan niya sa pagmamahal ay masyadong mataas ang emosyon niya kaya naman nagmakaawa siya sa harap nitong maging sila pa rin sa kabila ng pinaglaruan lamang siya nito. Subalit may girlfriend pala talaga ito at sinadyang paibigin lang siya dahil kahit noong simple lang siya ay angat ang ganda niya at talino kaya't maraming naiinggit sa kanya.
Simula noon ay mas lalong naging aloof siya sa mga tao at higit sa lahat sa mga lalaki. Hirap din siyang magtiwala sa mga gustong maging kaibigan siya dahil sa betrayal na naranasan niya noon. College naman ay ganoon pa rin, at mas humigit pa nga ang demand ng mga ito it is more of their needs, for their own pleasure. Kaya nga wala siyang pinatulan sa mga ito, puro lamang paasa, hanggang simula lang at kapag nakahanap ng iba ay iiwan na lang siya basta.
Kaya't para sa kanya ang mga lalaki ay walang kwenta! Mahilig manakit ng damdamin ng mga babae, mayayabang at higit sa lahat iiwanan ka lang kapag sawa na sila. Ipinangako niya sa sarili na hindi na niya hahayaang may makalapit pang lalaki sa kanya. She builds a huge wall against them at hindi ang isang Glenn Castroverde ang sisira niyon.
Hinding hindi...
"GLENN may chicks na nag hahanap saiyo kanina pa!" sigaw ni Louie ng makita siyang papasok sa Bar na napag usapan nilang magkakaibigan matapos niyang ihatid si Angela sa trabaho nito. Maagang nagkayayaan ang barkada dahil wala naman mga trabahong pinagkakaabalahan ang mga ito and that morning ay gusto niyang mag-isip isip at huwag muna pumasok ng trabaho. What he feels recently ay kakaiba, simula ng makita at makilala si Angela. Higit dalawang linggo pa lamang iyon subalit panay na ang sulyap niya dito sa malayo. At hindi na sana niya balak pormahan ito subalit tadhana na rin ang naglalapit sa kanila dahil sa tuwing plano niyang tigilan na ang kahibangan dito ay gumagawa ang tadhana ng paraan upang magkita sila. Gaya ng pagtulong nito sa lola Carmen niya sa grocery store noong nakaraang linggo, at ang nangyari kagabing pagtulong naman niya dito.
"Bakit? nabuntis ko na naman daw? Anak ng tokwa naman brad! Nakakasawa na." iiling iling na sabi nito.
"Mismo! Pang ilan na ba ito brad? I lost count.." Natatawang sabi naman ni Kevin.
"Kamusta na si Calvin?" Pag iiba niya ng usapan dahil sawa na siya sa mga ganoong akusasyon.
"Ayos na brad. Mukhang balik na ulit sa dati huwag lang mabanggit ang pangalan ng babae niya."
"Ikaw brad? Balita ko may napupusuan kana ahh.." Nakangising sabi ni Louie.
"Hindi ko alam brad. Basta iba siya.." sambit niya at lumagok ng isang beer na nakahain sa kanila.
"Wooow! Ang Mr. playboy natin nagbabagong buhay na!"
"Isa ba sa mga model ninyo? Hanep si Anna ang ganda niya! Siya ba??" tukoy ni Kevin sa isang exclusive model nila sa Advertising company na pinapamahalaan niya.
"Ofcourse not, pwede ba spare my employees sa mga babae ninyo! Kung gusto ninyo sila Faye ang iuwi ninyo hindi ang modelo namin, lagi kayong sakit sa ulo ng kumpanya ko." Agad naman na napangiwi ang tatlo ng banggitin niya ang isang baklang manager ng mga talents niya na wagas kung makalingkis sa mga kaibigan niya. Malikot siya sa babae subalit hindi niya dinadala iyon sa trabaho. He is their boss, and they are his employees at nirerespeto niya iyon.
"Oo na brad, Pass na mga empleyado mo!" tatawa tawang sabi ng tatlo.
"Then who's the unlucky girl?" nakangising sabi ni Louie.
"Angela. Angela Mendoza." tipid niyang sabi.
"Wait, the Psychiatrist??"
"Kilala ninyo siya?" kunot noong sabi niya.
"Yes and ako na magsasabi saiyo brad. Mahihirapan ka, I mean, susuko ka pala!" natatawang sabi ni Louie.
"Waiit, hindi ako makarelate. Sino ba ang pinag uusapan ninyo?" Singit ni Kean na kanina ay tahimik lang na umiinom kasama sila.
"Karma nitong si Glenn.." Pang aasar ni Kevin sa kanya.
"Sino ba kasi iyon? Maganda ba o sexy? patingin!" Agad na inistalk nila ang f*******: nito at wala silang nakita. Kahit anong social media sites ay mukhang wala ito.
"She's a beauty and smart, halos lahat yata ng lalaki noong batch namin sa high school may crush sa kanya. Ex siya ng kaibigan ko noong high school actually. Pero pinagpustahan lang naman talaga siya at ipinahiya sa buong school nang ipagkalat na she's not as good as we thought she is, but I know that is just a lie. Masungit ito pero mas naging bato na matapos ang ginawa nila." Pagkwento ni Louie.
"Ohhh..." Nagulat sila sa ikinuwento nito.
"Sino ang gago na iyon? Ipapalibing ko silang lahat ng buhay." seryosong sabi ni Glenn.
"Chill brad. Sinasabi ko lang na mahihirapan ka sa kanya, kasi malamang pinoprotektahan na niya ang sarili niya sa mga kagaya mo, kagaya natin. Kawawa naman na ang taong iyon kapag napunta na naman sa mga kagaya natin maloloko at walang planong magseryoso."
"Ikaw lang maloko idadawit mo pa kami!" sigaw ni Kevin kay Louie.
"Brad ang mga kagaya ni Angela hindi deserve ang masaktan. Pinapaalalahanan lang kita, dahil kung wala ka rin lang balak seryosohin huwag mo na lang guluhin. Kung nacha-challenge ka lang dahil iba siya, huwag mo na lang ituloy brad, marami nang nanakit sa tao, huwag ka nang dumagdag." Seryosong paalala ni Louie sa kanya.
====
©Miss Elie