NAKAPASOK si Angela sa ospital nang ihatid siya ni Glenn dahil hindi siya tinigilan nito. Kahit iniwan niya ito sa labas ng bahay at hindi pinapasok matapos siyang mag jogging ay matiyagang naghihintay pa rin ito sa labas. Ang nakakainis pa doon ay parang wala itong pakielam sa pang iisnob at pag susungit niya. Kaya naman wala siyang nagawa kung hindi ang pagbigyan na lang ang binata para matigil lang ito. Huling beses na iyon, sa isip isip niya.
She's currently doing some psychological reports ng kanyang mga naging client ng mga nakakaraang araw ng hapong iyon ng kumatok ang sekretarya niyang si Liz sa opisina.
"Excuse po Dra. May nag padeliver." Sambit nito sa kanya at may kakaibang ngiti sa kanya dahil may hawak itong isang bouqet ng white roses blended by red roses sa mga gilid at isang paper bag.
"Give it back. You know I hate that it came from a random or anonymous sender? Ang creepy." She disgustingly said kahit pa nga na-attract siya sa ganda ng bulaklak ay inignora niya ito at nagpatuloy sa ginagawa niya.
"Its not from anonymous or random this time Dra." Nakangiting sabi nito at ipinatong ang bulaklak sa lamesa niya kasama ang paperbag na kasama nito.
"Galing iyan sa lalaking naghatid saiyo kanina. Ayieh! Si Dra, pumapag-ibig na! Alam mo bang kalat na kalat na sa buong ospital na may manliligaw kang sobrang gwapo!" tuloy tuloy na sabi nito at kilig na kilig pa ang assisstant niya. Pamilyado na si Liz kahit nasa 7 taon ang agwat nila ay naituring na niya itong isang kapamilya at tunay na kaibigan, kaya naman minsan ay hindi na siya tinuturing na boss nito lalo na kapag silang dalawa lang.
Napairap siya sa inakto nito at lalong nainis sa binata dahil ayaw pa rin siya nitong tigilan at ngayon nga ay pinag-uusapan siya sa buong ospital. She hate the attention come from judgemental people. Pagsasabihan na sana niya si Luz ng may tumatawag sa telepono mula sa table nito kaya nakaiwas sa panenermon niya sana. She sighed and look at the roses, may note doon.
Hey Angela,
I know aayawan mo ito, but I just want to do this. Don't ask me why because even I, don't know why I want to do this for you. Just allow me. Btw, I saw these flowers and it reminds me of you, so beautiful like you. See you later!
-Glenn Castroverde
There's an unexplained sensation runs through her but she ignored it. Ayaw niyang i-entertain ang ganoong klaseng emosyon dahil alam nyang masasaktan lang siya ulit. Una pa lamang ay na-obserbahan na niyang hindi naiiba si Glenn sa mga lalaking kinasusuklaman niya. Halatang babaerong-babaero ang mga galawan nito. Sinunod niyang tinignan ang laman ng paper bag na may tatak ng kilalang Restaurant. Casa de Guia.
Nang silipin niya ang laman niyon ay isang hot chocolate at isang box ng brownies ang naroon. Nagningning ang mata niya! How can I turn it down? Nagdadalawang isip siya kung ilalabas ito o hindi dahil bigla siyang nakaramdam ng gutom. It's her favorite! Actually anything basta may chocolates ay gustong gusto niya and that man hits her weakness without him knowing her addiction to chocolate flavors.
Ilang minuto niyang tinitigan ang pagkain bago napagdesisyunan na itabi na lang at ipamigay sa iba. She can afford to buy that! Mataas ang pride niya, alam niya iyon kaya nga hanggat maari ay ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa ibang tao na maari nilang maisumbat saiyo. Tinapos na lamang niya ang trabaho at saktong natapos niya iyon ng oras na out na nila. Nauna na si Liz dahil ito daw muna ang susundo sa anak nito at pumayag na rin siya.
Mula ng malabas siya ng clinic niya ay lahat ng madaanan niya ay napapatingin sa kanya at mga pasimpleng nagbubulungan. Tss. Too obvious. Napailing na lang siya at hindi pinansin ang mga ito kahit may mga bumabati sa kanya.
"Ouch!" Muntik na siyang matumba sa pagkakabangga ng lalaki sa kanya dahil hindi ito nakatingin sa dinadaanan nito. Naramdaman na lang niyang may braso na pa lang nakapalibot sa bewang niya bilang suporta kaya hindi siya natumba kanina.
"I'm sorry Miss, are you okay?" Tanong ng lalake sa kanya at inalalayan siya makatuwid ng tayo.
"I'm fine." Masungit niyang sabi at mabilis na lumayo mula sa pagkakahawak nito. "Try to look at your way next time ng hindi ka nakakaperwisyo ng iba." Irap niya rito at nagderetso na palabas muli ng ospital. Nag aabang na siya ng taxi ng may tumawag sa pangalan niya, at iyon ang lalaking nakabunggo sa kanya kanina.
"Hey, Dra. Mendoza, I bet it's yours humarap ka." Hinihingal pang sabi nito at inabot sa kanya ang pin niya kung saan nakasulat ang buong pangalan niya. Kinuha niya lang ito at sumakay na ng taxi ng may huminto sa harapan niya.
"Hope to see you again Dra. Sungit." The guy said to her and grinned. Hindi na lang niya pinatulan dahil umandar na ang taxi.
GAYA ng naging plano niya ay ibinigay niya ang pagkaing bigay ni Glenn sa batang nagpalimos sa kanya at nagpaderetso sa Casa de Guia para bumili ng para sa sarili niya. Hindi niya masasabing suki siya ng Restaurant dahil madalang lang siyang pumunta doon dahil may kalayuan nga ito sa kanya. Ngunit lagi niyang binabalikbalikan dito ang mga pastries at desserts nila. Stress reliever niya ang special brownies nila roon kaya naman iyon agad ang inorder niya. 6pm pa lang naman kaya kahit sa bahay na lang niya siya mag-dinner.
They served the delicious pastry to her and with full delight ay kinain niya iyon. Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain ng may biglang umupo sa tapat na upuan niya.
"Nabitin ka ba sa pinadala ko sayo kanina? Okay, I'll take note na gusto mo pala ang marami. Is it your favorite?" Sabi sa kanya nito at ngiting ngiti pang nakamasid sa kanya.
"What are you doing here?" Mataray na tanong niya kay Glenn na bigla bigla na lang susulpot kung nasaan siya.
"Because my heart says to go here. Then I go, mabuti na lang I follow my heart because it always lead me to you." Kumpyansang sagot nito sa kanya at kumindat pa. Tumaas ang kilay niya at uminom ng tubig.
"You know what, spare me to those shitty craps, dahil wala kang mapapala sa akin." Derektang sagot niya.
"I was just kidding. Don't be too hot Angela, but the main reason why I'm here is that my cousin is the co-owner of this Restaurant and napag-utusan lang akong i-check sandali dahil busy siya sa asawa niya and then I saw you happily eating here and alone. I tried to accompany you, pero it's pretty obvious na ayaw mo." He seriously explained.
"Wow great! Nahalata mo na rin finally!" she sarcastically said. "Let me clear it Mr. Glenn Castroverde, ayoko saiyo, or sa kahit na sinong lalaki pa sa mundo. Kaya kung iniisip mong makakalapit ka sa akin, at nagbabalak na makuha ako I suggest that you better stop kase nagsasayang ka lang ng panahon, maraming iba diyan. Just find someone whose willing to open their legs for you dahil never na mangyayareng maging ako iyon. Did you understand?" She frankly said.
"But you are worthy to spend time and effort Angela."
"Ohh... Don't use that cheesy line to me. Dahil uulitin ko, wala kang mapapala sa akin."
"Angela -"
"Just stop. Huwag mo ng ipilit pa Mr. Castroverde, please lang. I know you just saw me as a challenge, because you are a happy go lucky person at halatang halata saiyong lahat ng gusto mo nakukuha mo. You saw me as a challenge right? dahil hindi mo ako nakuha agad at never mo akong makukuha. So please stop." She's a psychologist at lahat ng iyon ay naobserbahan niya agad dito. Hindi man accurate siguro lahat but she knows it's true.
"Yes, I admit. You're a challenge to me at napakahirap mong kunin. But I'll do everything to have your heart as a prize. Kahit ilang beses mo akong patigilin at tanungin kung bakit gustong gusto kita ang sagot ko ay hindi ko alam, hindi ko rin alam kung bakit at lalong hindi ko maintindihan ang nangyayare sa akin simula ng makilala kita." He admit and holds her hand. "Sa tuwing susubukan kong iwasan ka dahil obvious na naiirita kang sa tuwing nakikita ako, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong hanap hanapin ka. Alam kong mabilis ang lahat, pero maniwala ka, halos mabaliw na ang sistema ko kapag hindi kita nakikita. You are like a drug, na kahit anong pigil ko sa sarili ko I always wants you." Pagpapatuloy nito.
Iniwas niya ang tingin sa binata at binawi ang kamay niyang hawak nito dahil nakikita niyang sincere at totoo ang sinasabi nito. He looks diretly at her eyes na tila nangungusap maging ang mga mata nito.
"Then pigilan mo dahil ayoko saiyo at never akong magkakagusto saiyo." Matigas niyang sabi at tumayo na palabas ng resto ngunit hinabol siya nito.
"You are worth it Angela. Kahit pa masaktan ako ng paulit ulit sa pagre-reject mo susubukan ko pa rin, for the first time in my life may gusto akong seryosohin sa buhay ko. And it happens na ikaw iyon, I will make you fall for me like I am to you." And with that, he kissed her.
========
©Miss Elie