AFTER that night mas lalong naging ma-effort si Glenn kay Angela hindi siya dapat magpakampante dahil aminin man niya o hindi ay threatend siya sa karibal niyang si Hanz kaya naman maski ang pinaka magagaling na advertising team ng kompanya niya ay idinawit na niya sa panliligaw sa dalaga. Ilang buwan na rin siyang nanliligaw dito at nakikita niyang panatag na sa kanya ang loob nito at iyon ang tanging konswelo niya sa sarili na kahit paano ay napalambot na niya ang pusong bato nito. Hawak ang paboritong chocolates ni Angela ay kumatok siya sa pintuan ng clinic nito at sinalubong siya ng assistant nitong si Liz. "Hi Sir! Chocolates again?" natatawang bungad sa kanya nito. "Yes, is she busy?" "No Sir. She kind of stresses right now and I think that chocolates can light up her mood." Pak