MONTHS pass by at napadalas na ang pagbisita sa kanya ni Glenn at tila nasanay na rin ang binata sa pagtataray niya dahil panay pa ang banat at pagbibiro nito kapag sinusungitan niya. Mas nakilala na niya ang binata at mas nakikita niya ang effort nitong ibinibigay sa kanya. "Angela are you busy this Saturday night?" He asked pagkababa nila sa bahay niya dahil hatid at sundo siya nito. "No, why?" Wala naman kasi siyang nagiging lakad kapag weekend unless aayain siya ni Tricia or mangungulit si Glenn na magdate sila. "It's Daddy's birthday on Saturday, I want to invite you as my date..." Napalunok siya sa sariling laway sa narinig mula rito. Yes, they go out to lunch or dinner pero this is the first time na yayain siya nito sa isang formal date and of course she knows na sa party na iyo