MABILIS na tinawag ni Angela ang Doctor para suriin si Glenn. He is now awake! Hindi siya makapaniwalang gising na ito at nginitian siya! Tinawagan din niya ang ama nito upang sabihin ang magandang balita gayon din ang Papa niya. She can't contain the happiness she felt right now. Nakabantay siya sa labas ng kwarto habang sinusuri ng mga doktor ang kalagayan ni Glenn. Its really a miracle! Ilang beses niyang tinapik tapik ang sariling pisngi upang makasigurong hindi iyon isang panaginip lamang. Saglit siyang umalis sa lugar na iyon at muling nanalangin. Dear God, Thank you po. You don't know how happy I am right now. Thank you for granting my prayer. Truly You are God of mercy and grace. She's crying out for joy! Hindi niya maipaliwanag ang saya ng puso niya. Napakagaan ng pakiramdam ni