NAGISING si Angela at nakitang nakatulog din si Glenn hawak pa rin siya, habang ang isang kamay nito ay nakahawak na sa mga kamay niya. Maingat siyang tumayo para hindi magising ito dahil maayos na ang pakiramdam niya ngunit nang iaangat pa lang niya ang kamay ni Glenn na nakahawak sa kanya ay nagising na agad ito. "A-ahmm... Sorry nakatulog din pala ako. Okay na ba pakiramdam mo?" Tanong agad nito at inalalayan siyang bumangon. "Y-yes, thank you." Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nautal dito. Kaya bigla na lang siyang tumayo at lumayo dito para iayos ang gamit niya nang makauwi na siya. "Angela wait..." "What?" Mataray biglang sabi niya. Hindi na yata niya maiaalis ang mag-sungit lalo na sa mga lalaki at higit dito kahit nagpakita na ito ng kabutihan sa kanya. "Ahmm.. You...