NAGPAPANIC na sumugod sa clinic ng hotel na tinuyuluyan nila si Tricia ng matanggap niya ang text mula sa kaibigan nang hindi niya makita ito. "Bes! Are you okay? May masakit ba saiyo ha? Inasikaso ka na ba ng mga doctor dito?" Sunod sunod na tanong ni Tricia sa kaibigan ng makita ito. "Hey I'm fine. Hindi ako ang nasaktan may sinamahan lang ako dito, stop over reacting bes." Natatawang sagot ni Angela sa kaibigan. "Hindi ako OA ahh! Nag alala lang talaga ko saiyo dahil baka napano na ang best friend ko!" Nakangusong sabi nito. "Alright, I'm fine hindi ako nasaktan." Nakangiting sabi niya sa kaibigan. "Bakit ka nandito ka pa kung ganoon?" Usisa nito "Something happened kanina, muntikan na akong tamaan ng bola but someone cover me up, kaya siya ang tinamaan ng bola sa halip na ako. Na