ALMOST everyday ay hatid at sundo ang dalaga ng kasintahan and she looks more beautiful with her genuine smile at halos pansin na iyon ng mga katrabaho niya sa ospital. Isang buwan na silang magkarelasyon ni Glenn and she is always happy. "Dra. may invitation na binigay si Doc Anthony for his birthday party tomorrow and we are invited." Balita ni Liz sa kanya. "Doc Anthony? Bakit naman niya tayo papadalhan? We are not close to him." Sagot niya habang patuloy na binabasa ang history ng pasyente niya. "Nginitian mo daw siya Dra noong nagkasalubong kayo sa hallway. Pinamamalita pa niya iyon sa ibang department kaya akala siguro close na kayo." natatawang sabi ni Liz at napakunot naman ang noo niya sa sinabi ng sekretarya. She became nice to everyone, kahit pa lalaki iyon, as long as it is