Margaux Arevalo Nang masiguro kong kalmado at kampante na si Gabriel kay Second ay nagpaalam muna ako kay First na mauna na akong lalabas. Tumango lamang si First, maliban sa kanya pakiramdam ko'y wala nang ibang nakarinig sa akin o nakapansin man lang na lumabas na ako, dahil halos lahat ay kay Gabriel nakatuon. Paglabas ko ay naroon si Dawson nag-aabang, nabigla pa ito nang makita ako. Agad akong nagpunas ng pisngi dulot ng halos nanuyo ng luha. Lumapit ito sa akin at saka bahagyang yumuko. Bakas sa mukha nito ang pag aalangan ngunit mahahalatang may nais ito sabihin. "What is it, Dawson?" Ako na ang naunang nagtanong dito dahil batid kong hindi ito magsasalita kung hindi ko pinapahintulutan. "Ipagpaumanhin nyo po, ngunit tumawag sa akin ang Oyabun kani kanina lang," panimula nito