Margaux Arevalo Isang linggo na rin ang nagdaan mula nang matuklasan namin na isang Alphamirano ang kinilala kong kapatid. Isang linggo na rin mula nang malaman ko na si Magnus at ang lalaking kinamumuhian ko noon ay iisa. Isa linggo na rin akong umiiwas sa kanya at isang linggo na rin itong pilit na nakikipag-ayos sa akin. Sa palagay niya ba ay ganoon lang kadali ang tanggapin ang sorry niya? Matapos ang lahat? Naglaho siya na parang bula. Hindi naman ako nagpumilit noon, ang hiningi ko lang sa kanya ay antayin ako at payagan akong makita siya bago siya umalis. Mahirap ba 'yon? Paalis na ako nang makasalubong ko si Magnus, sa halip na tumigil at batiin, tulad ng dati ay hindi ako umimik at nilagpasan ito. "Margaux," ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinawag niya ako sa pangalan