Margaux Arevalo Matapos ang isang malamig na shower ay kinuha ko ang nakasabit na bathrobe at isinuot iyon. Nagpapatuyo ako ng buhok gamit ang isang tuwalya nang pagpasok ko ay si Magnus agad ang bumungad sa akin. Nakatayo ito sa gilid ng kama ko habang nilalaro ang bungo. Napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ang pakay niyo. Tungkol nanaman ba sa kasal? Imposible, napakalalim na ng gabi. Nanatili itong nakayuko ngunit alam kong batid nito ang presensya ko. Hindi ko makita ang mukha nito kaya hindi ko alam kung anong emosyon meron ito, maliban sa madilim ang silid ay natatakpan ang kanyang mga mata ng basang buhok. Napatingin ako dito mula ulo hanggang paa. Medyo basa pa ang suot nitong robe na animo'y galing ito sa kalagitnaan ng pagliligo. "A-anong kailangan mo?" Hindi ko alam pero hi