Margaux Arevalo Ang kasunod na scene ay tungkol kay Victoria at Gael na binibidahan ko at ni Leo, isa sa mga sikat at kilalang personalidad sa showbiz na kinahuhumalingan din ng mga tagahanga. Ang paksa ay tungkol sa unang pag-ibig ni Victoria, si Gael ang lalaking minahal nito at siyang pinaglaanan nito ng pangakong pagpapakasal. Matapos nag palitan ng linya ay hinila ako ni Leo palapit sabay kabig ng bewang ko palapit at umakto na kunwari'y hinahalikan ako. "Cut!" sigaw ng direktor. "That was good! Very good, Margaux. Magaling, Leo!" Pagpupuri ng direktor habang abot tenga ang ngiti. Gumanti lang kami ng ngiti ni Leo. May panandaliang break matapos ng eksinang iyon para sa retouch. Kaya naman ay nagkataon kami ni Leo na mag-usap. Casual lang naman ang pag-uusap namin, tungkol lang sa

