Third Person's POV Isa-isa nang kinatok ng mga katiwala na siyang namamahala sa mga panauhin ang bawat silid ng kanilang mga bisita. Naunang lumabas sina Enrique at Enzo na walang lingon likod na tinungo ang hapag para sa kanilang agahan. Binati man ng katiwala ay hindi nila ito nagawang tugunin. Kasunod na nagbukas ay sina Aurelio at Lucca na humingi pa ng ilang minuto upang makapag ayos. Sabay na tinungo ni Lucca at Aurelio ang hapag. "Kamusta ang tulog, Aurelio?" tanong ni Lucca sa slang nitong wikang Filipino. "Maayos naman, I did slept well. Ikaw, nakatulog ka ba ng maigi?" tanong ni Aurelio sa una. "Ako? Yes, tulog akong maigi at masarap," seryosong sagot ni Lucca. Aurelio chuckled then as he pat Luccas head habang namamangha niyang tinitingnan ang nakababatang pinsan. Bilib siya