Nagising ako na masakit ang ulo, Napahilot ako sa batok saka napaupo sa kama, napatingin ako sa paligid at hindi pamilyar sa akin ang lugar. Napakunot noo ako. Ano nga bang nangyari kagabi? Napatingin ako sa dakong kanan nang marinig ko ang tunog ng shower. Nang marinig ko ang tunog ng pagpatay nito ay muli akong bumalik sa pagkakahiga at nagkunwaring tulog. Amoy na amoy ko ang mabangong scent ng shampoo at bodywash. Napaka-manly ng amoy na iyon. Sa ilalim ng kumot ay makailang beses kong sinapak ang sariling noo upang maalala ang nangyari kagabi. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsara nito kung kaya’t inalis ko na ang kumot at dali-daling tumayo ngunit laking gulat ko nang makita si Mr Alphamirano na prenteng nakaupo sa harap ng kama habang naka-crossed legs pa. “Good morning, Hone

