Tulala akong naiwan sa loob ng restroom matapos lumabas si Margaux. I admit, nadala ako nang aking damdamin, hindi ko maatim ang pagseselos na nararamdaman nang makita kong hawak-hawak ni Eros ang kamay ng asawa ko. Nang mga oras na ‘yon ay alam kong maling-mali ang ginawa ko. “F*ck!” I hissed. Sa sobrang inis ay napagbuntunan ko nang galit ang pinto kaya nang suntukin ko ito at tumaob pa ang kamao ko. God knows how I wanted to take my wife and tell them that she’s mine the moment I saw her pero nang makita kong komportable siya sa lalaking nasa tabi niya at nagbabadya ang takot sa kanyang mga mata nang makita ako ay nagdalawang isip ako at bing respeto na rin para sa punong ministro nang mga sandaling iyon. Lumabas ako ng silid at sinalubong ako ni Mikhael. “My lord, are we going home?

