"Mr Alphamirano!" Nakita ko kung paano namilog ang mga mata ng punong ministro nang makita si Mr Alphamirano. Paanong hindi sila kakabahan na pinag-uusapan nila ito at siguradong narinig nito ang mga sinabi nila. Eh kasi naman, lalaking-lalaki eh para namang babae kung mag-usap. “Mr Alphamirano?” Ang tanong na iyon ni Eros ang nakaagaw ng aking atensyon dahilan upang mapatingin ako kay Mr Alphamirano. Nagtaka ako kung bakit tulala itong nakatingin sa akin habang sa mga mata niya ay ang hindi ko maipahiwatig na damdamin. Ah, magkaiba pala ang kulay ng kanyang mga mata at napaganda ng mga iyon. Nang mga sandaling iyon ay naiintindihan ko kung bakit lahat ng mga kababaihan kanina ay sa kanya nakatuon ang atensyon. Napatingin ako kay Eros nang hindi maalis-alis ang tingin ni Mr Alphamirano s

