Napatingin si Margaux sa magara at kahanga-hangang Palazzo della Farnesina. “Napakaganda pala nito sa totoong buhay!” bulalas ng dalaga. “Have you seen it before?” tanong naman ni Eros matapos alalayan ang dalaga pababa ng sasakyan. “Yes, nang sabihin mo kahapon na dito tayo dadalo ay ini-search ko ito kaagad sa internet, hindi ko naman alam na ganito pala ito kaganda.” puno ng pagkamangha na turan ng dalaga. “Mas maganda pa iyan sa loob,” nakangiting sabi ni Eros. Bigla namang lumiwanag ang ekspresyon sa mukha ng dalaga. “Wow, look at you, looking all excited,” biro ni Eros. “Syempre, ngayon lang ata ako makakapunta sa ganito kagandang lugar.” hindi napigilan ng binata na ngumiti dahil sa kainosentehan. Inilahad niya ang kamay upang alukin ang dalaga agad naman nitong iniabot ang kam

