Lumubog ang araw at nagsisimula nang lamunin ng kadiliman ang buong paligid ngunit nanatiling magkahawak ang magkabiyak. Ilang minuto lang ay tuluyan nang nilukob ng kadiliman ang paligid. Walang kaparang katahimikan ang maririnig, bukod tanging ang tunog ng alon at bulong ng hangin lamang ang naroon. Akmang iiwas ng tingin ang dalaga nang sapuin ng binata ang mukha nito saka siniil ng halik. Pinanlakihan siya ng mata ngunit kahit pa nais niyang itulak ito dahil iyon ang sinisigaw ng kanyang isip ay nanigas siya. Malambot, masuyo at mainit ang mga halik na 'yon. Hindi mapang-angkin kung kaya may kalayaan siyang ipagtabuyan ito ngunit hindi niya magawa, sa halip ay ikinulong niya ang mukha ng binata sa sariling mga palad at siniil din ito ng halik pabalik. Kapwa sila natigilan nang may m

