Napatingin ang binata sa labas habang inaayos ang sinturon. Dumungaw siya sa bintana at nakita niyang tumila na ang ulan. "My love?" sambit niya. Nakasalampak pa rin ang dalaga sa sahig habang nakapikit ang mga mata. Kinuha niya ang baril at isiniksik sa likuran. Kinuha niya ang coat at inilukob dito. "We're going back," bulong niya saka nagdilat ng mata ang dalaga. Kinarga niya ito at isinukbit naman nito ang mga braso sa kanyang batok. Natigilan siya nang paglabas ng cottage ay napapaligiran na ng mga lalaki ang paligid, nasa mga anim na metro ang layo ng mga ito mula sa kinatatayuan niya habang si Mikhael naman ay nakatayo apat na metro ang layo mula sa kanya. "Tss." He hissed as his lips curved into a smirk. Naglakad siya palapit kay Mikhael na agad namang yumuko at nag bigay galang

