Third Person's POV "Have you heard from Dawson already?" tanong ni Magnus kay Mikhael. Bakas sa boses nito ang pagkabalisa. "None yet, my lord." Sagot ni Mikhael. Ibinagsak ni Magnus ang hawak na baril sa mesa dahilan upang mapaigtad ang lahat ng naroon. Sumenyas si Mikhael sa mga ito na iwan muna sila ni Magnus, saka lamang nagsilabasan ang mga ito. Nang makalabas na sila Aurelio ay biglang nagsalita si Enzo. "Kawawa naman si Margaux. Nasa hospital pa naman ang kapatid niya at paniguradong hindi pa siya nakaka-move on sa pagkawala ng magulang niya." Malungkot nitong turan. Napatigil sa paglalakad si Lucca kaya napatigil na rin ang tatlo. "Ang 'di ko lang maintindihan ay kung bakit ang pamilya ni Margaux ang target, given na normal lang naman ang pamilu nila." Lucca concluded. "It

