Margaux Arevalo Pagpasok ko sa loob ng silid ay naabutan ko si Magnus na nakatayo sa Terrace ng aking silid. Sa kanang kamay nito ay ang papaupos ng sigarilyo. Dahan-dahan akong naglakad papalapit dito. Halatang malalim ang iniisip nito dahil nasa malayo ito nakatingin at isa pa ang papaubos ng sigarilyo. Bago pa man ito tuluyang mapaso ay kinuha ko na sa kanya ang sigarilyo at itinapon sa ash tray. Napatingin siya sa akin na puno ng hindi maipaliwanag na ekspresyon. Tila ba napako ito sa knatatayuan at hindi ito nakagalaw. Mga ilang segundo pa bago ito napatikhim, he cleared his throat as he blinked his eyes in such a way na para bang nililinaw niya ang tinitingnan niya. "M-Margaux?" nabubulol nitong turan, bahagya pang nakaawang ang bibig nito. Mahina akong napatawa. Agad na nawala